Bawat patak ng ulan ay simbulo ng mga luhang aking iniiyak.
Ang panahon at kalikasan ay karamay ko sa pagdadalamhati.
Malamig na hangin ay lalong nagpapatigas sa aking puso.
Masalimuot kong damdamin kailanma'y di mapaparam
Ito ba ang kapalit ng pag-ibig kong dakila para sa iyo?
Isang umagang maulan at ang panahon ay puspos ng kabalisaan
Nagising ako sa malakas na ihip ng hangin
Napakalamig sa pakiramdam... Malamig nga lang ba ang aking kapaligiran?
O sadyang nagsimula nang lumamig ang aking damdamin para sa iyo?
Wala na akong maramdaman, nasanay na ako sa sakit.
at ngayon, hindi ko na alam ang siglang dulot ng pagmamahal.
Ang pag layo ko sa iyo ay isang desisyong hindi ko ginusto
Ngunit kailangan kong piliin.
Alam kong hindi ako para sa iyo,
hindi na ako ang iyong kailangan
sa pag dating ng bagong umaga pagasa ko'y di mapuputol.
hihintayin kong mapawi ang aking dalamhati at makitang muli ang
iyong ngiti.

my very first blog hope you like it :)
ReplyDeletethere's more to come///