A couple of days ago, i had this little discussion with a friend
It's an interesting topic that had caught my attention and with that I unexpectedly found the answer to my question about soul mates ...
Sabi sa isang book ni Paulo Coehlo (I actually forgot the title) ... Sa buhay ng isang tao, once lang natin makikita ang tunay at matinding pag ibig. Sa oras na ito'y dumating sa iyo wag mo nang pakawalan pa. Dahil ito ang magdadala sa'yo sa walang hanggang mundo ng kaligayahan sa gitna ng kapighatian.
Ayon sa kaniya, kung naranasan mo nang mag mahal ng matindi at mabigo ka sa pag ibig mong ito, hindi ka na maaari pang magmahal ng sing labis at tindi ng naramdaman mo gaya nung una.
At sa usaping soul mate naman, maaari mong mapalagpas ang taong nakatadhana sa iyo --- ngunit kailangan mong mag hintay ng napakatagal na panahon hanggang ikaw na mismo ay mag re incarnate. sa puntong ito, maaari ulit kayong mag kita nang iyong soulmate... sa ibang anyo at panahon nga lang...
kung mangyari man na mapalagpas mo ang iyong soul mate ikaw ay nakatadhana upang makaranas ng eternal agony.
kaya ngayon napag desisyunan kong magtiis at maghintay na lang. Alam ko at naniniwala akong totoo ito... nakita ko na ang soul mate ko... ngunit pinalagpas ko pa... kailangan ulit kitang hintayin hanggang sa ako ay mag reincarnate... sana sa panahong iyon, marealize mo na ako talaga ay para sa iyo at ikaw ay ang kabiyak ng aking kaluluwa. XD
Friday, October 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment