Sabi ni Anonina sa kanyang kaibigan:
"Sa palagay ko ganito talaga kapag nag mamahal... kahit nasasaktan ka na pipilitin mo pa ring maging maayos ang lahat para sa ikaliligaya ng taong mahal mo. Madalas pinagsisisihan ko kung bakit ko siya tinalikuran pero naisip kong ang pag layo ko sa kaniya ay isang bagay na kinailangan kong gawin labag man sa kalooban ko. May minamahal na siyang iba at hindi naman ako ang kaniyang kailangan. Napaka hirap para sa akin na tanggapin ang katotohanang minahal ko siya ng higit pa kaninuman pero yung pagmamahal ko na yun kailanman ay di niya maaaring suklian. Nasaktan nya ako ng labis... ng hindi niya alam. Hindi ko siya masisi dahil hindi rin naman nya alam na mahal ko siya."
" Pinilit kong magpaka layo hanggang sa isang araw, nagkita na naman kami. matapos ang ilang buwang pagdurusa noon ko lang ulit narinig ang kaniyang boses naalala ko siya at ang dating ako. napaka laki ng pinagbago ko. Hindi ko alam kung Labis na yung sakit na naramdaman ko kaya tila ako'y namamanhid o Tuluyan ng namatay ang dating ako dahil hindi na kinaya ang sobrang sakit."
"Ilang oras ko din siyang nakasama puno ng alinlangan... ilang na ilang ako. Hindi ko alam kung san ako huhugot ng lakas upang tignan siya sa mata o di kaya'y biruin sya ng tulad ng dati. Huli na ang lahat, para bawiin ko ang panlalamig na naramdaman ko... ito na siguro ang kapalit ng pag mamahal ko sa kaniya."
Saturday, October 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment